"Ang ganda niya, 'di ba?" "Maganda? Saang banda?" mataray na sagot ni Cat, nakababatang kapatid ko sa ina. Tinignan ko siya at tinawanan. "Masyado kang bitter." "Mas maganda ko sa kanya, kuya." Nag-flip siya ng buhok saka sa iba na itinuon ang atensyon. Nailing na lang ako habang bumabalik ng tingin kay Loribelle Del Rosario. Sayang lang dapat sa akin siya kinasal dati kung hindi lang tumanggi ang mga magulang niya sa proposal. "Balita ko single na ulit siya, ah. May pag-asa ka na." Lapit ni Liam at nakipag-cheers sa akin sa kopita. Hindi ako makapaniwala nang makita ko 'yung resume niya sa kumpanya ko. Agad ko siyang pinatawag sa HR. Noong una, nagtataka akong humanap pa siya ng trabaho sa ibang kumpanya kahit na siya ang panganay at pwedeng magpalakad sa kumpanya nila. Pero sa da

