Takot man pero sinubukan kong magtapang-tapangan. Ayoko na ng ganitong buhay. Ilang buwan na rin kaming nagtatago. Marami ng buhay ang nadadamay. Gusto ko na itong matapos para matapos na rin ang mga paghihirap ng mga taong nasa paligid ko. Nagtungo ako sa bahay namin ni Raf. Ako lang mag-isa. Muli akong tumakas para hindi na siya madamay. At kung ano mang mangyari ngayon, una sa lahat, gusto kong sabihing handa na ko. Mali man pero itong gagawin ko ay para sa baby ko at sa mga taong mahalaga sa akin. Pagkapasok ng bahay, nagtungo ako sa may nursery room na binubuo pa lang sana namin ni Raf. Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid bago humawak sa tiyan ko. Nakarinig ako ng ingay na nagpatingin sa akin sa gawing pintuan. Mukhang narito na siya. Hindi ko maiwasang kabahan, siguro natu

