Ma-awtoridad siyang lumakad sa pagitan namin ni Stephen. Nakangisi siya na tila ba nagagalak sa nakikita. "Bakit mo ba 'to ginagawa? Pinaliwanag ko na sa'yo ang lahat," matapang na sabi ko. "Hindi maiibalik ng sorry mo 'yung anak ko." Tumalungko siya at pinagtapat ang mukha naming dalawa. "'Wag kang mag-alala. Hindi naman kita papatayin. Gusto kong ikaw mismo ang pumatay sa sarili mo katulad ng ginawa niya." Napapikit na ko sa takot. "Sir, may mga tao po diyan sa labas," aligagang sabi ng isa. Kumunot ang nuo ni Mr. Santos. "Kapag nakawala ako rito. Kahit na anong mangyari. Tumakas ka," pasimpleng bulong ni Stephen. Dahil sa sinabi niya, pinilit ko ring matanggal ang tali sa braso ko. Kailangan kong maging matapang ngayon para kay Loriel. Sure akong siya ang pakay ng lalaking 'to.

