Napagpasyahan nilang lahat na itago muna ko sa Korea. May bahay doon sila lola na pwede naming gamitin ni Raf panandalian. Gusto nilang doon ako manganak para mas safe hangga't hindi pa nahuhuli si Mr. Santos. Kaso hindi ko alam kung ano itong kabang nararamdaman ko. Nag-aalala ako para kay daddy. Alam kong kahit sinabi na namin ang lahat sa mga pulis ay hindi pa rin titigil si Daddy. Kilala ko siya. Ngayon pang kilala na namin ang gumagawa ng lahat ng 'to. Gera kung gera. Tulad ng sabi niya kay Ezekiel. Mahigpit kong hawak ngayon ang passport ko. Gusto kong tumigil sa paglakad papunta sa eroplano. Gusto ko ulit bumalik sa kanilang lahat na pinapanuod kami ngayon ni Raf na lumalakad palayo. "Magiging ayos din ang lahat. Pagbalik natin, tapos na 'to." Sinulyapan ko siya nang hawakan n

