"Mommy, hindi pwede! Teka!" Habol ko sa pinto. "Pinagsaraduhan niya ba talaga tayo?!" Turo ko sabay tingin kay Raf na kanina pa nakasandal sa pader. Nandito kami ngayon sa isang malaking hotel. Kung alam ko lang na isa itong trap, hindi na sana kami pumunta ni Angel. "Mukhang gano'n na nga." Tumayo na siya nang maayos, handa ng umalis. "Mommy!" Subok ko ulit na katok. "Kapag umiyak 'yan. Hindi niyo siya mapapatahan nang wala ako!" Bumukas ang pinto na ikinatigil naming pareho ni Raf. Pumunta siya sa likuran ko at bumungad naman sa amin si Daddy na may hawak na cheque. "May pera ka bang dala diyan, Raf?" "Daddy, si Angel." Pinigilan niya kong makapasok. Nasa likod niya ngayon si Sam na malawak ang ngiti at nakapigil din sa pinto. "Bakit ho?" tanong ni Raf. "Heto, gamitin niyo ngay

