Kanina pa siya nasa labas noong may mag-doorbell. Bakit nag-aalala ko? Tapos na Loribelle ang lahat. Bakit kasi ang tagal niyang pumasok? Napapikit ako dahil sa sarili. Hindi ako makapaniwalang ang rupok ko pa rin. "No, may trauma ka lang," bulong ko para sa sarili. Tinignan ko muna si Angel sa duyan bago ko sinundan si Raf na nasa labas ng bahay ngayon. Nagulat ako nang makita ang lahat ng gamit kong naiwan sa bahay, pati na lahat ng gamit ni Angel ay nandito na rin. "Ano 'to?" Turo ko kay Raf. "Mga gamit ni Angel." Ngumiti lang siya at kumuha na ng isa para dalhin sa loob. "Kaya ko na, Pete. Salamat sa pagdala." "Okay ho, sir. Aalis na po bako?" "Oo, pwede ka ng umalis." Sumulyap lang siya habang hirap na hirap na binubuksan ang pinto. Wala sa sarili kong tinakbo 'yon para pagb

