“Umuwi po ba si Gavin kagabi, Manang?” She asked. Katatapos niya lang kumain ng umagahan.
“Hindi na naman, hija,”
“Aalis na po ako, Manang.”
“O sige, baka ma-late ka na.”
. Nang makarating siya sa kompanya na kanyang pinagtatrabahuhan, bumungad sa kanya ang kaibigan niyang si Mica nang makapasok siya sa department nila.
“Bakit ang laki ng eyebags mo? Ano ang ginawa mo kagabi? Saan ka pumunta, huh?” Mica scrutinizingly looked at her. “Ano bang pinagkakaabalahan mo?”
“Nag-movie marathon lang ako. Nadala ako sa eksena kaya hayan at mugto rin ang mata ko.” She lied.
Ang totoo niyan ay hindi maawat ang kaniyang luha sa pagtulo kagabi dahil sa pag-aayaw na naman nilang mag-asawa. Hindi na niya pinahaba pa ang kanilang usapan. Bumalik na rin ito sa sariling cubicle.
“Ms. Buenavista, the CEO wants to see you in his office now.” Bumungad agad sa kanya ng sekretarya ng CEO. Tumayo na siya ng umalis na ito.
Sa kompanya na pagmamay-ari ng pamilya ni Gavin siya nagtatrabaho. She’s so desperate to be with him that’s why she chose to work there. The products of de la Vega Company were man’s wear and their company’s products were woman’s wear. The two companies were perfect combination. And besides, de la Vega Company ruled over the Asia and so as their company.
“Sir,” She caught his attention. Nag-angat ito ng tingin ng maramdaman na rin nito sa wakas ang presensiya niya.
“Encode that papers then give it to me before 6:00 pm, today.” Gavin said coldly.
Napatingin naman siya sa malabundok na mga papel na nakapatong sa desk nito.
“Sigurado po kayong ngayon ang deadline?” She incredulously asked.
“Yes.”
“But sir—”
“Are you disobeying my order, Ms. Buenavista?”
There’s an unbearable pain strucks on her heart. Kahit minsan ay hindi niya narinig mula sa mga labi nito na tawagin siya gamit ang surname nito.
“Right away, sir.” She stated.
“Good. You may leave now. Give the files to my secretary.”
“Yes, sir,”
Agad siyang tumalikod para makaalis na sa office na `yon. Her heart tightened inside her chest and she can’t stop her eyes from watering.
Dalawang taon na ang nakararaan simula ng maikasal silang dalawa. And she’s now twenty six years of age while Gavin was twenty eight years of age. Alam ng buong empleyado ng kompanya na kasal na si Gavin pero hindi alam ng mga ito kung sino ang babaeng ikinasal dito. Their parents planned that they will reveal Ayana as Gavin’s wife when the two companies were totally as one. Kay Gavin ibinigay ang responsibilidad na ito dahil sa kanya na ipinamana ang kompanya at hindi na nila ito pinakialaman sa pamamalakad nito. But two years had passed; Gavin didn’t do any action about it. Their parents didn’t question him because the company was in his hands now.
She wiped her tears that consistenly running down on her cheeks and fixed herself before she entered in her department. Sinimulan niya ang trabahong binigay sa kanya ni Gavin. Sa sobrang dami noon ay ilang oras na ang lumipas pero hindi pa rin niya tapos. Nangangalay na ang kanyang magkabilang balikat maging ang kanyang mga galamay pero hindi siya pwedeng tumigil.
“Ayana, lunch break na. Sumabay ka na sa`min.” Mica uttered.
“Kayo na lang. Marami pa akong gagawin.” She didn’t bother to glance at her officemates. Her eyes were fixed on the computer.
“H`wag ka ngang masyadong seryoso sa trabaho. Maagang kukulubot ang mukha mo at baka hindi ka na makapag-asawa n`yan.” Stacey said, one of her officemates.
She just smiled. Buong akala ng mga ito ay single pa siya at nabibilang sa isang hindi ganoong kayamang pamilya.
“Masamang magpalipas ng gutom. Sumabay ka na kasi sa`min.” Pamimilit ni Mica pero wala paring nagawa ang mga ito kaya umalis na rin sila.
Hindi niya alintana ang pagkulo ng kanyang tiyan. Ang mahalaga ngayon sa kanya ay matapos ang trabahong nakaatang sa kanya.
******