DORM MATE
Hello, readers!
Just call me Sheen. I read yung story about sa dorm which made me remember yung experience ko sa dati kong dorm when I was in college wayback 2018. This was somewhere in Manila and it was an all girls dorm. I'll just keep the name and the exact place hidden.
Freshman ako that time and since laking probinsya ako from Batangas, excited and nervous ako na magdorm. Nothing creepy in particular naman sa dorm. The room was spacious, built for two people. Bunk bed style. Sa baba ko pinili kasi nahihilo ako pag malapit sa ceiling. Good vibes na good vibes ang dorm nung unang dating ko, hindi lang ako sanay na mag-isa, and after a few days natuwa ako lalo nang malaman ko na magkakaroom mate na ako.
Tawagin na lang natin syang Carrie. Like me, probinsyana din sya. Hindi ko maalala if Samar or Leyte, pero she was from Visayas. Although yung mga taga Manila might think that some of her mannerisms are weird, I don't see anything unusual sa mga kilos nya since pareho kaming laking probinsya. In fact, sobrang ambitious nya pagdating sa studies nya as an accountancy student. Ako rin naman bilang scholar, study first din ako at dahil dito, naging close kami kahit na magkaiba kami ng university.
Dorm, university, at minsan once or twice a month na hang out ang naging routine namin ni Carrie. Kahit meron kaming circle of friends sa kanya-kanyang university namin, kami madalas ang magkasama, or should I say, hindi naman kami pala-gala talaga. Until next semester.
I noticed na napapadalas umuwi ng gabi si Carrie sa dorm. I know na sa schedule nya, dapat mas maaga syang nakakauwi, I didn't question her kung nagsosocialize man sya to unwind or kung she's exerting extra hours to study or even work part-time. Hindi na rin kami nakakahang out but we remained close friends.
One Tuesday night, bigla akong nagising sa mahimbing na tulog. Exam week that time, since expectation bilang achiever, super stressed ako that time at pagod, so medyo annoyed ako na naputol ang tulog ko pero mabilis nawala ang inis ko nang marinig kong may umiiyak.
"Carrie?" Tawag ko sa kanya. May salamin sa tapat ng beds namin and sinilip ko ang reflection nya sa taas ng bunk. Hindi pa nag-a-adjust sa dilim ang mata ko, pero naaaninag ko sya na nakahiga sa kama at nakatalukbong ng kumot. "Okay ka lang?"
Walang sagot. Biglang tumigil ang pag iyak at naging sobrang tahimik ng paligid. When I think about it now, it felt eerie, pero since pagod ako at preparing for exams, I disregarded it at bumalik ako sa pagtulog.
The next Wednesday morning, naalala ko yung nangyari kagabi so I wanted to ask Carrie what's up. Sumampa ako sa para silipin sya at bumulaga sakin ang mga mata nyang dilat na dilat at namumula! Nangingitim din ang paligid nito at para bang nanlilisik.
"Uy..." Mautal kong sabi. Hindi ko pa nasusundan ng tanong, nagtalukbong sya ulit at tumalikod. Naisip ko na baka ayaw nyang pag-usapan. "Girl, di ka pa babangon? Anong oras ang exam mo?"
Wala pa ring sagot. Naa-anxious na ko para sa kanya kung ano bang problema nya. Work? Financial? Studies? Mabilis akong kumilos at nag-ayos para pumasok. "Girl, may pizza pa sa fridge. Microwave mo na lang para di ka mahirapan magprepare ng breakfast." Yun lang at pumasok na ako.
Mabilis lumipas ang exam. Yung isip ko naman, lutang kakaisip kay Carrie, kaya naman madali din akong umuwi. Pagdating ko, nasa kama nya pa rin sya. Natutulog. Mukhang hindi sya pumasok. Nakakalungkot. Nakita ko namang may plato sa mesa, at nabawasan yung pizza so at the very least, kumain naman sya. Niligpit ko ang mesa, kumain, saka nag-aral, at maaga pa lang around 8PM, humiga na ako para matulog.
Mabilis akong napahimbing dahil na rin sa pagod ang katawan at utak sa exam at kakaisip kay Carrie. Kaya naman laking gulat ko ng maalimpungatan na naman ako. This time, hindi iyak ang gumising sakin, kundi ungol ng babae. Akala ko nung una ay nananaginip lang ako, hanggang sa naramdaman kong umuuga ang kama.
"God! Nagdala ng guy si Carrie sa dorm?!" Muntikan kong masabi ng malakas. Aninag ko sa salamin ang isang lalake na nakapatong kay Carrie. Tuloy lang ang pag-uga ng kama at ang pag ungol, hanggang sa napalitan to ng parang sigaw na ipit na parang naghahabol ng hininga. Intense! I had a boyfriend back then but I was raised a conservative. Ako naman ang nagtalukbong ng kumot, pilit na hindi pinapakinggang ang nangyayari sa taas. Di ko na namalayang nakatulog na ako ulit.
The next day, Thursday, mas maaga akong nagising than usual. Buti naman, kasi ayokong makita yung guy at si Carrie. Masyadong awkward dahil di ko kayang magpanggap na di alam ang ginawa nila. Pagbangon ko pa lang, tumambad na sakin ang masangsang na amoy. Dumeretso na ako sa CR, mabilis na naligo, at umalis. Same as yesterday, lutang ang isip ko habang nag eexam kakaisip kung ano na bang nangyayari kay Carrie. Para bang tinatapon nya ang future nya. Now, it became clear na guy problems ang iniiyal nya, pero to compromise her future? It's a no-no for me.
Pauwi na ako ng bumuhos ang malakas na ulan. Pagdating ko sa dorm, narealize ko na brown out. Kakakulog at kidlat siguro. Napakadilim tuloy ng kwarto namin. Tsk! Kailangan ko pa namang magreview, pero dahil madilin at maingay ang ulan, hindi rin naman ako makakafocus. Nakakapagtaka na si Carrie, ang himbing ng tulog. Siguro hindi na naman sya pumasok, naisip ko, at biglang naamoy ko na naman ang masangsang na amoy. Ugh! Nawalan ako ng ganang kumain. Nagpahid na lang ako ng vicks sa may ilong kontra amoy at natulog na.
For the third time, nagising na naman ako ng alanganing oras ng gabi. Malakas pa rin ang ulan at wala pa ring ilaw. Maya maya pa, narinig ko na namang may umiiyak. "Hay nako, binigay kasi lahat lahat," bulong ko at napabuntong hininga. Aakyat na sana ako sa bed ni Carrie ng marealize kong may kakaiba sa naririnig kong iyak. Hindi ito iyak ni Carrie, o ng isang babae.
Para itong itak ng bata o ng sanggol!
Nanlamig ang buo kong katawan. Habang papalakas ang ulan, palakas din ng palakas ang iyak na naririnig ko. Halos hindi ako makahinga sa takot. Di ko na nga alam kung paano akong nakatulog nung gabing iyon, kaya kinaumagahan ng Friday, kinausap ko si Carrie.
"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Sumilip ako sa bed nya. Nakahiga pa rin sya, nakatalikod, at pumihit lang ng konti para tingnan ako. "Para kasing may naririnig akong umiiyak kagabi", dagdag ko na maang maangan pa at in denial sa experience ko kagabi.
"Ah, oo. Pasensya na kung nagising ka, pero okay lang ako," maikli nyang sagot at tumalikod ulit saka nagtalukbong.
At least, nakikipag usap na sya. I just wished na sana, maligo and magclean up sya since I really don't like yung smell na sa room namin. Anyway, last day of exam. I guess I'll ask her out like before. That might motivate her na bumangon, mag ayos, at lumabas naman. But it didn't happen.
I received a text from my mother na i-pick up daw nila ako ng uncle ko na kakauwi lang from abroad. Nagkayayaan pala ang family na dumeretsong magswimming sa amin sa Batangas kaya unexpectedly, uuwi ako sa amin. Ni hindi man lang ako nakapag impake. Buti na lang, last day of exams at weekends din naman kinabukasan.
Fast forward. Natapos ang bakasyon, bumalik ako ng dorm ng Sunday. Hapon na akong nakarating. Ilang bahay pa ang layo ko, nakita kong may nagkukumpulang mga marites sa dorm namin. Naaninag ko rin ang ilaw ng police car na nasa tapat ng dorm. Kinabahan ako sa nakita ko.
"Sheen!" Salubong sakin ng landlady namin. Bakas sa mukha nya ang takot at lungkot. Hindi pa ko nakakalapit, hinarang na ako ng dalawang pulis.
"Ikaw ba si Sheen na occupant ng room A4? Iimbitahan ka lang namin sa station para sa ilang katanungan. Standard procedure lang ito sa imbestigasyon namin kaya inaasahan namin ang kooperasyon mo." Sunod sunod na sabi ng pulis.
Napatingin naman ako sa landlady na syang tumango at sinenyas na naimbitahan din ang ibang occupant ng dorm.
Eto ang summary ng investigation na sinagawa nila.
Natagpuang patay si Carrie sa bunk bed nya. Murder. Ang suspect? Boyfriend nya. Cause of death, asphyxiation. Ang motibo? May asawa ang boyfriend ni Carrie, at nabuntis sya nito at ayaw ipa-abort ang bata dahil masisira ang pamilya nya.
Holy...
Nanlumo ako at napuno ng takot. Pinatay sya sa sakal? Teka, yun ba yung gabing narinig ko sila, witness ba ako sa pagkamatay nya? Pero nakausap ko pa sya kinabukasan? Yung iyak ng sanggol na narinig ko, nagparamdam ba yung bata sa sinapupunan nya?
Hindi matapos tapos ang katanungan sa utak ko. Akala ko sasabog ang ulo ko, pero ang huling impormasyon ang halos ikahimatay ko.
Sa estimate ng mga pulis, at least 6 days ng patay si Carrie.
What the heck!
Hindi ko talaga alam until now paano ipaprocess yung information from the police in comparison to my testimonies. Or if any of those experience was real at all or stress lang ng exams. Needless to say, lumipat ako ng dorm before pa ako masiraan ng ulo.
End.
Sheen 2018