Narinig nila ang ugong ng sasakyan tanda na umalis ang mga ito. "I'm sorry Kate, I forgot that you're already married" malungkot na sabi nito sa kan'ya. "Nah, hayaan mo na iyon! Kasama naman niya ang girlfriend niya" pekeng ngiti niya rito. "Oh! Muntik ko nang makalimutan, I want to invite you for my 21st Birthday this coming friday night" sabay abot sa kan'ya ng isang asal na invitation card. Inabot naman niya ito. "Happiest Birthday, Marco!" Sabi niya rito at niyakap. "Thank you Kate, sana makapunta ka. You can invite your husband if you want" "Sige, susubukan ko" kiming sabi niya habang tumatango. "Inaasahan ko na makapunta kayo" ngiti nito sa sabay tingin sa orasang pambisig. "Oh! I need to go, may pupuntahan pa pala kami ng ate ko. See you on friday, Kate" at tuluyan ng nagpaa

