Nagulat siya nang sumakay din ito sa may front seat. "Why are you here? Magpapahatid na lang ako kay Mang Domeng!" galit na sabi niya rito. "I don't want to let you go by yourself with that damn revealing clothes!" iritableng sagot nito at nagsimula ng paandarin ang sasakyan. "Please, I don't want to start a fight with you, not now" ayaw niyang masira ang gabing ito. Mabuti nalang at hindi na ito nakipagtalo pa sa kan'ya. Dahil nasa invitation card naman ang address ay hindi na sila nahirapan pang hanapin iyon. Gamboa's Mansion, iyon ang nakalagay sa invitation card. Pagkapasok palang nila sa loob ng mansion ay may mga iilan ng mga kalalakihan ang nakamasid sa kan'ya. Ganoon din kay Rafael, halos lahat yata ng mga babae roon ay kinikilig. Nang makita sila ni Marco ay agad sila nit

