"Tomorrow is your check-up, right? I'll go with you after your class" Sabi ni Rafael habang papauwi "Ah e-ehh, no it's okay kaya ko naman mag-isa" Kinakabahan na sabi niya, kung maari ay ayaw na muna niya magpasama rito. "Hmm, are you sure?" At pinisil nito ang legs niya "Y-yes" At ngumiti siya rito. Pagdating sa mansiyon ay naghihintay na sa may pintuan sina Raven at Elize. Agad namang tumakbo si Raven papunta kay Rafael nang makita ito. "Be careful, baby" Sabi ni Rafael at nakangiti itong binuhat. "Hello! Raven!" Ngiti niya rito. "Hello po, Tita Pretty" ngiti rin nito sa kan'ya. Nang madaanan nila si Elize ay agad siya nitong inirapan at sinimangutan. Sina Raven naman at Rafael ay biglang pumasok na sa may loob ng kusina. "Sab, can we talk?" Tawag sa kan'ya ni Elize. Huminto

