Friday Morning "Ano ka ba, okay lang ako roon. Hindi ko naman papabayaan si baby doon at isa pa, pinayagan naman na ako ng doktor ko" Sabi niya kay Rafael na kanina pa siya kinukulit. "What if I'll just go with you?" Hirit pa nito. "Rafael h'wag na, I'm okay. And besides, kailangan ka sa opisina niyo hindi ba?" "Nah! Damn that work! Hindi ko tuloy masamahan ang asawa ko!" Pagtatampo nito. Siya naman ay natawa rito. "Sunday afternoon, sunduin mo nalang ako pauwi" ngiti niya rito. "Okay no problem, behave there okay?" Paalala pa nito sa kan'ya. "Hindi ba ako dapat ang magsabi sa iyo niyan? Masosolo ka ni Elize" Malungkot na sabi niya. "I will not do anything that make you feel jealous, I promise" At itinaas pa nito ang isang kamay. "Dapat lang! Naku! Kung hindi ay pagbubuhulin ko

