Chapter Thirty Six Mabilis na nagpunta si Arwynn sa lugar ng hideout. Kalalabas palang niya ng sasakyan ay may narinig na siyang putok ng baril. "s**t!" He felt nervous. Si Aimee ang kaagad na pumasok sa kanyang isipan. Dagli-dagli niyang hinanap ang pinto. Sakto naman at bukas iyon. Liblib ang lugar. Katabi nito ang lugar kung saan dinadala ang mga nahuhuling mga walang prangkisang sasakyan. Napakatahimik. Walang mag-aakalang nasa Metro Manila pa rin ang lugar na iyon. Marahan siyang pumasok. May isang malaking drum sa gilid kung saan siya nagtago. Mula sa kinaroroonan niya ay nakita niya ang duguang si Fely. Tila wala na itong buhay. Nakaramdam siya ng galit, kaba at iba pang pinaghalu-halong emosyon ng makita niya si Aimee. Tinatali ito ni Ericson sa isang upuan. "Isa pang bwisit

