Chapter Thirty Five "E-ericson bitawan mo yan. Baka makalabit mo ang gatilyo nyan. Baka pumutok yan. Bitawan mo yan please!" Takot na pakiusap ni Aimee kay Ericson. Gusto niyang paniwalain ang sarili na nasa loob pa rin ng Ericson na kaharap nila ngayon ang Ericson na nakilala niya sa loob ng mahabang panahon. "I'll be very careful Aimee. Just answer my questions. Puro kasi ikaw ang nagtatanong." Binaba naman nito ang kanang kamay na may hawak ng baril. "A-ano pa bang gusto mong malaman?" Tanong niya. Nagsimula na siyang bumuo ng kwento sa kanyang utak upang mapagtakpan ang mga plano nila. Hindi niya pwedeng ilaglag sina Ardel at Sarah. Lalong hindi nito pwedeng malaman na buhay pa si Arwynn. "Ano tong plano niyo? Sino pa ang kasabwat mo maliban sa Fely na ito?" Tulad ng kanyang inaas

