Chapter Seven "Ano ho?" Matipid ngunit seryosong tanong ni Arwynn sa chief of police. Reaksyon niya iyon sa sinabi ng awtoridad na isa siya sa primary suspect sa tangkang pananakit sa kanyang nakatatandang kapatid. "Nasira ang CCTV access ng hotel ninyo sa gabing iyon. Nakatakas tuloy ng malaya si Ms. Fely Rose Ariola, ang may kagagawan sa nangyari sa kuya mo. Nagtatago na tuloy ito ngayon. We are looking for an inside job. We are investigating on all the possible angle of this crime. Kasama na po dun na baka may alitan kayong magkapatid. Inggit? Something like that po sir." Nagpantig ang kanyang tainga sa mga narinig na lumabas sa bibig ng opisyal. "Hindi ako naiinggit sa kapatid ko?! Saan nanggaling yan? Mahal ko si kuya! Hindi ko sisirain ang buhay niya." He raised his voice. Hindi n

