Chapter Eight Patuloy sa pagtulo ang mga luha ni Sarah habang pinagmamasdan ang fianće. Dinudurog ang kanyang puso habang nakikita ito kung paano sumuko at mawalang pag-asa sa kalagayan nito. Yayakapin niya sana ito ng umiwas ito at nagawa pa siya nitong itulak dahilan upang malayo siya ng distansya rito. "Ardel naman." Bulalas niya. "Hindi mo ba ako narinig Sarah? Tama na. Umalis ka na. Hindi na tuloy ang kasal at hiwalay na tayo." "Bakit Ardel huh? Bakit?!" nangingig ang kanyang boses habang sabay na sumisigaw at lumuluha. Para siyang pinapaulanan ng bala sa mga salitang lumabas sa bibig ng lalaking pinakamamahal. Mamamatay siya. Hindi niya iyon kakayanin. "Bakit? Sarah naman dapat ulit-ulitin pa natin? Dapat ipaliwanag ko pa sayo? Dapat ipamukha mo pa sa akin?" Sarkastiko at pabu

