Chapter Eighteen Matapos ang insidente sa villa ay dumiretso na sina Arwynn at Aimee sa resort. Napaupo nalang ang lalaki sa labas ng tinuluyan nilang kwarto. Malalim na ang gabi. Dinig na lamang niya ang hampas ng alon sa dalampasigan. Nalulungkot siya dahil sa sitwasyon nila ng kanyang kuya Ardel. Galit pa rin ito sa kanya ay naniniwalang siya ang may pakana sa nangyari rito at sa mga nangyayari pa sa kanilang pamilya. "I know it's not okay." ilang saglit pa'y narinig niya ang boses ni Aimee na nakaupo na sa kanyang tabi. Napalingon siya rito. Malayo ang tinatanaw nito sa madilim napaligid. "Kailan magiging okay ang situation niyo di ba? From being 'I got your back' brothers ay kinamumuhian ka na ng kuya mo. Pero sana wag mong hayaang manatiling ganoon ang tingin niya sayo. Ibalik mo '

