Chapter Nineteen Iyon na yata ang pinakamagandang umaga sa buhay ni Aimee. Ang sikat ng araw ay pumapasok sa bintana nagbibigay ng kakaibang init sa kwarto. Dama rin ang hangin na umiihip mula sa dagat. Dinig ang alon sa dalampasigan. Higit sa lahat siya ay nasa bisig ni Arwynn. Yakap siya nito. Unang umaga sa kanilang buhay bilang magkasintahan. She was not just a best friend anymore. Girlfriend na siya. Tila mahimbing pa rin ang tulog ng nobyo. Nakatitig lamang siya rito. Napangiti siya sa kilig na nadarama. "Boyfriend na ba talaga kita?" Pabulong niyang tanong sa sarili. Dinampi niya ang hintuturo sa ilong nito papunta sa pisngi at dumako pa iyon sa mga labi ng lalaki. "Napakagwapo mo pa. Alam kong bonus nalang 'yon dahil you're more than your looks. Pero yang looks mo ring yan kasi

