Chapter Twenty Napakaganda ng umagang iyon. Alam ni Arwynn na magluluto na ng almusal si Aimee kaya naman minabuti na muna niyang lumabas at lumanghap ng sariwang hangin. Gusto niya ring ipagsigawan sa karagatan ang labis na kasiyahang umaapaw sa kanyang puso. "Good morning Batangaaaaaas!" Sigaw niya habang nag-iinat pagkalabas na pagkalabas. "Good morning! Enjoy your stay here." pagbati niya sa unang bakasyonista na nakita niya. Ilang sandali pa ay inagaw ang kanyang pansin ng isang babaeng may magandang kurbada ng katawan na nakasuot lamang ng two-piece bikini. Parang Diyosa ang ganda nito na tila ba umahon sa karagatan. Mas maganda at sexy pa rin si Aimee. Iyon ang nasabi niya sa sarili. Napangiti nalang siya. Hindi siya dahil hindi siya naapektuhan ng alindog ng babae. Si Aimee na

