Chapter 33

654 Words

Chapter Thirty Three "Hello Arwynn nandito na kami ni Fely sa hideout. Na-send ko na rin sa inyo ang sketch ng suspect." Saad ni Aimee habang nang kontakin niya ang nobyo. Kasama niya si Fely na nagtungo sa hideout. Isa itong bakanteng pagawaan ng sapatos sa Marikina. Maayos pa ang lugar at halatang may nagpupunta pa roon. "Sige tawagan mo na ang mga pulis. Ituwid na natin ang lahat once and for all." Tugon nito sa kabilang linya. "Okay sige." "Umalis na kayo agad dyan. Mag-iingat kayo huh? I love you." Napangiti naman siya. "I love you too." Iginala pa ni Aimee ang mga mata sa lugar. Napailing siya. "Ano kaya ang kasalanan ng magkapatid na Pineda sa kanya? Bakit niya nagawa ang lahat ng iyon? Sobra nila siyang pinagkakatiwalaan." Nabuo ang mga katanungang iyon sa kanyang isipin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD