Chapter Thirty Two "Ano? Palalabasin nating may ibang mastermind? At ipapahuli pa natin sa mga pulis? At ang kaibigan ko pang si Mylene ang naisip mo Ardel?" Nagpantig ang tainga ni Sarah nang marinig ang suggestion ng fiance. "Wag kang magalit kay kuya, ate Sarah. It was my idea." Pagsingit ni Arwynn. "Oh my God Arwynn! Bakit naman si Mylene? Sa tingin niyo ba papayag siya? Totoong huhulihin siya ng mga pulis at ikukulong. Oo't makakawala rin siya kaagad pero that would make a great damage on her at sa business niya, sa reputation niya. Baka nga tanggalan pa siya ng lisensya bilang doktor. Hindi ko na talaga alam ang pinag-iisip niyong magkapatid!" Napahawak nalang siya sa kanyang noo. Sumasakit ang kanyang ulo sa pinapagawa sa kanyang responsibilidad sa kanilang planong pagpapabagsak

