Chapter Ten Patuloy lang si Ardel sa pagtitig sa gunting. May mga boses na tila bumubulong sa kanya na gawin ang bagay na iyon- ang kitlin ang sarili niyang buhay. Pero naalala niya rin si Sarah. Si Sarah ang pag-asa nito. Pag-asang gusto niya ring kapitan. "Ardel?" bumukas ang pinto ng kanyang kwarto at narinig ang boses ng babae. Saka naman niya nabitawan ang hawak na gunting. Nanginginig siya. Napaupo siya sa kanyang kama saka nagsimulang lumuha. "Sarah..." he bursted in tears. "Ardel ano 'to? Ano'ng gagawin mo?" umupo ito sa tabi niya. Ilang saglit pa ay bigla siya nitong niyakap. "I miss you so much. Wag mong sabihing yung nakita ko ang sagot mo sa suggestion ko? Ayaw mo na ba talagang lumaban? Ganon nalang ba talaga? Pati yung buhay mo gusto mo na ring putulin." saka ito sumalo

