Chapter 11

1172 Words

Chapter Eleven "Hintayin mo nalang ako sa malapit na cafe sa labas ng building ng unit ko. Alam mo naman yun di ba? Lumabas kasi ako. Babalik din ako kaagad." tugon ni Aimee kay Arwynn. Hindi na niya hinintay na makasagot pa ito bagkus ay binaba na niya ang telepono. "Hooooh!" huminga siya ng malalim. Not this time Arwynn. Once and for all titiisin naman kita. Pagkababa sa drop point sa ibaba ng building kung saan naroon ang opisina ni Allen Cristobal ay agad na tsinek ni Aimee ang sarili. Inayos niya ang nagusot na laylayan ng suot niyang skirt. Nagsalamin siya at nag-retouch sa comfort room sa reception area. "Relax lang Aimee. Kaya mo yan! Just be yourself!" bulong niya sa sarili. Hahakbang na sana siya papalapit sa secretary ni Allen nang bigla na namang tumunog ang kanyang phone.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD