Chapter Twelve Hinayaan lang ni Aimee ang mga labi ni Arwynn na nakadampi sa kanyang mga labi. Kahit lasing ito ay hindi pa rin mapusok ang pagangkin nito sa kanyang mga labi. He seems to be respecting her. Parang may kakaiba kumpara sa mga babaeng nakita niyang hinalikan nito sa elevator, sa bar, sa tabing daan, sa sasakyan at kahit saan pang pampublikong lugar na kasama siya. She just closed her eyes and pretend that it was just a dream, a beautiful dream. "I love you Aimee..." suminghap ito saglit saka sinabi ang mga katagang iyon. Dagling namulat niya ang mga mata na para bang nagising mula sa isang panaginip. Panaginip na masaya pa man din. Pero ayaw niyang manatili sa panaginip na iyon. Ayaw niyang managinip nalang. Tinulak niya si Arwynn palayo sa kanya. Saka umakmang tatayo.

