Chapter Thirteen Hindi makapag-isip ng maayos si Arwynn. Hindi siya makapaniwala sa nalaman niya. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Hindi na naman siya pwedeng magkalat. Kailangan niyang mag-isip. Mag-isip ng tama. Mag-isip ng maayos. He inhaled. He exhaled. He did it ten times and more. Kumalma siya. Pero alam niyang may dapat siyang gawin. "Hindi pwede Aimee." Bulong niya sa sarili saka lumapit sa baba ng maliit na stage. Pinagmasdan niya ng mabuti sina Aimee at Allen. Nagpapalakpakan at hiyawan ang lahat. Kalmado na siya. Wala siyang pakialam sa reaksyon ng mga tao. He just stared at her. Ilang saglit pa ay nabaling na sa kanya ang pansin ng kanyang best friend. Mga blangkong sulyap ang binigay nito sa kanya. He was not used to those blank stares. Tila wala na ang ningning sa mga

