Chapter Fourteen Natapos nang punasan ni Aimee ang mga luha sa mata ni Arwynn. Hindi siya sanay na umiiyak ang matalik na kaibigan lalo na kung hindi ito lango sa alak. The fact na siya pa ang dahilan nang pag-iyak nito. May kurot sa kanyang puso at pinalambot na naman nito ang nararamdaman niya para sa lalaki. Tila bumababa na naman ang rupok level niya. "Dadalhin kita sa Batangas. Doon tayo sa bahay namin doon. Gusto kitang masolo don." sambit nito. He was acting like a possessive best friend again. Iyon ang possessiveness na gusto niya pero sana hindi lang hanggang sa pagkakaibigan ang pagiging ganito ni Arwynn sa kanya. Ngunit may naisip siya. "Di ba sa bahay niyo sa Batangas nakatira ngayon sina Ardel at Sarah. Hindi magandang nandoon ka malapit sa kuya mo. Kailangan muna niyang m

