Chapter Twenty Two Pansamantalang umalis si Arwynn sa kanilang tinutuluyan hindi para sukuan si Aimee ngunit para gumawa ng paraan upang magkasundo na ulit sila. Nagpunta siya sa bar ng resort. Humingi siya ng tulong sa banda saka sila bumalik sa kanilang tinutuluyan. Nag-set up sila sa sala. Pinuno niya iyon ng lobo at mga bulaklak. Halos maubos na ang mga nakalaang lobo, bulaklak at iba pang pang-dekorasyon ng resort at pinilit pagkasyahin ang lahat ng iyon sa maliit na sala. Wala ring ensayo pang naganap. Kasama ang dalawang gitarista ng banda at ang main singer nito na gagawin niyang back up sa singer sa pagkakataong iyon ay hinarana ni Arwynn si Aimee habang nasa loob pa rin ito ng kwarto. Nagsimulang tumugtog ang nga gitara. Kahit ikaw ay magalit Sa'yo lang lalapit Sa'yo lang

