Chapter Twenty Three "Magagawa ba iyon sa akin ni Mylene?" napatigil si Sarah sa tanong ni Ardel. "Bakit naman niya iyon gagawin sa akin? Kaibigan mo siya. Kaibigan natin siya." hindi pa ito natapos sa pagtataka. "Hindi niya 'yon magagawa sa iyo Ardel. Maniwala ka. I know na set up lang 'yon. May ibang taong gustong sumira sa atin." pinagtanggol naman niya ang kaibigan. "Si Arwynn?" nagbago na naman ang hilatsa ng mukha nito nang banggitin ang pangalan ng kapatid. "Ganoon na ba siya kadesperado para sirain tayo at para makalusot siya? Pati si Mylene ay dinamay niya." tila napuno na naman ito ng galit sa kapatid. "Hindi rin si Arwynn, Ardel. Inosente ang kapatid mo. Na-set up lang din siya dito. Maliban sa atin ay sinisira rin kayong magkapatid nang kung sino mang utak ng lahat ng ito."

