Chapter Twenty Four "Mylene!" Bulalas ni Sarah pagdating na pagdating sa presinto. Nasa labas na ang kaibigang si Mylene kasama ang partner nitong si Aileen. Mahigpit silang nagyakap. "Okay ka lang ba?" "Okay lang ako. Salamat at pumunta ka." Tugon nito. "Of course I'll be here." Umalis ito sa pagkakayakap sa kanya. "Maniwala ka sa akin Sarah. Wala akong kinalaman sa nangyari kay Ardel. Hindi ko 'yon magagawa sa kanya. I know I had a feelings for you pero dati pa 'yon. Masaya na ako sa piling ni Aileen. Masaya na kami kasama ang anak namin." Kitang-kita niya ang sinseridad sa mga mata nito habang nagpapaliwanag sa kanya. "I believe you Mylene. I believe you. Hindi ka ganoong klase ng tao. I know you." Sambit niya rito upang ito'y makalma at saka ito muling niyakap. "Salamat Sarah.

