Chapter Twenty Five "Arwynn!" Dali-daling tumakbo so Ardel palabas. "K-kuya..." nanghihinang tugon ni Arwynn nang makalapit siya rito. Nakahiga na ito sa lupa hawak ang tagiliran na may tama ng bala ng baril. Dumadaloy na mula roon ang dugo. "Arwynn kumapit ka lang ah. Sandali at tatawag ako ng pulis at ambulansya." Hinawakan niya sa balikat ang kapatid saka dali-daling kinuha ang kanyang telepono at tumawag na siya sa pulis. "Paparating na ang mga pulis. Parating na rin ang tulong. Wag kang pipikit ah. Tingnan mo ako. Kausapin mo ako." Pilit niyang binigyan ng lakas ng loob ang kapatid. Malapit sa kinaroroonan nila ay ang bangkay ng kanyang doktor. Bumigat ang loob ni Ardel. Hindi pwedeng maging dalawa ang bangkay sa kanyang tabi. Lalo't higit hindi pwedeng mamatay ang kanyang nakab

