Chapter Twenty Six "Arwynn gising! Arwynn!" Halos pagsakluban ng langit at lupa si Aimee. Dumating na ang mga pulis at ang ambulansya. Nakakabingi ang ingay ng mga sirena ng police patrol car at ng ambulansya. Kinuha ng medic ang nakahandusay na katawan nito. Sumunod sila ni Ardel sa sasakyan. Walang tigil siya sa pag-iyak at sa pagtangis sa ngalan ng nobyo. Habang nasa sasakyan ay hinawakan niya ang mga kamay nito. Tahimik naman tumatangis ang nakatatandang kapatid nito na nakaupo sa kanyang tabi. Sa kabilang side ng medical bed ay naroon ang doktor at mga nars. They were trying to revive Arwynn. "Arwynn please wake up. Ano 'to saglit mo lang na jinowa ang best friend mo tapos iiwan mo rin ako? You're unfair! Sana nambabae ka pa. Sana hindi ka muna nagpakatino. Kasi nasasaktan ako no

