Chapter Twenty Seven "Ardel ano'ng nangyari?" Humahangos si Sarah nang makarating sa ospital sa Batangas kung saan isinugod si Arwynn. Agad siyang tumakbo patungo sa kanyang asawang si Ardel. "Kumusta si Arwynn?" Dugtong niya. Napayakap sa kanya ang lalaki. Mahigpit. Nanunuot ang sakit sa yakap na iyon. Tumatagos sa kanya. "Wala ba siya." "No." Naibulong niya sabay sa pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. "No." "Wala na ang kapatid ko Sarah. Wala na si Arwynn." At tuluyan na nitong nilabas ang lahat ng sakit. Parang batang walang patid sa pagluha si Ardel. "Tahan na. Tahan na. Nandito lang ako. Nandito lang kami." She knew that no comforting words can heal the pain but at the very least she'll try. Nagpunta na muna sila sa chapel ng ospital habang naghihintay sa pag-aayos ng labi ni

