Chapter Twenty Eight "Goodbye bro. Goodbye Arwynn." Huling nasambit ni Ardel nang ihatid nila sa huling hantungan ang mga abo nito. "Aaaarwyn!" Sigaw ng ina ni Arwynn na si Lyndel. Yakap ito ng kanilang amang si Arwynn Jr. Naroon din ang kanyang inang si Araceli. "Mauna na ako sa labas." Bulong sa kanya ni Sarah. Tumango siya at nagbigay ng isang matipid na ngiti. Lumapit siya sa kanyang ina at kay Aimee upang magpaalam. Palabas na siya ng columbarium nang makasalubong niya ang company secretary nila na si Ericson. "I'm so sorry Sir Ardel sa nangyari. My deepest condolences po." Hindi nito napigilang maluha at saka yumakap sa kanya. Ginantihan naman niya ito ng yapos ng pasasalamat. "Thank you Ericson. Thank you for helping me arrange the funeral. This is not part of your job. Than

