
‼️DARK ROMANCE‼️
What will you do when someone is obsessed with you?
Ang sabi nila pamilya ang mag po-protekta sayo sa mga masasamang tao na may masamang intensyon, pero paano kung ang pamilya mo ay iba, Si Don. Eduardo at Donya Eleanor. sila ang magulang kong hawak sa leeg ng pinakamataas na tao dito sa lungsod namin.
Isang walang pusong namumuno sa aming kinatitirikan, mga banyaga at dayo dito sa aming bansa. Ang aking ama na si Eduardo ang kanang kamay ng mataas na si Paciano David may edad na limampu't lima byuda ito pero may anak na susunod na mag mumuno sa lupang ito.
Ang mga David ay parang mga hari at reyna na namumuno simula pa noon, walang gustong tumapat o kumalaban sa mga ito. Maraming takot na kalabanin ang mga ito.
Lalong-lalo na sa panganay na anak nitong si Lucianno David. Ni minsan hindi ko ito ginusto na makita ngunit pikit mata akong nakikihalubilo dito dahil sa utos ng aking ama.
" Sadyang may napakaganda kayong anak Eduardo at Eleanor. "
Isang pagtitipon ang kinaroroonan ko, hindi ko man gustong sumama ay wala akong magagawa dahil iyon ang utos ng aking ama.
Nagagalak na makita siya ni Pacianno. Ngunit siya ay hindi. Alam niya ang mga kasamaan ng mga ito, pati na ang anak nitong walang modo.
" Kanino pa ba mag mamana?" Ani ng ama niya.
Hindi maganda ang pakiramdam niya sa tuwing napupuna siya ni Pacianno. O sadyang ayaw niya lamang dito dahil masama itong tao.
" Ilang taon kana nga ba hija? " Tanong nito sa kanya. Siniko siya ng ama kaya sinagot niya ito ng marahan at magalang na paraan.
" Maglalabing-walo na po Don Pacianno." Tumingin ito sa kanang bahagi kung nasaan ang taong kanina pa niya iniiwasan tignan.
Kakaibang tingin ay pinagsaluhan ng mag-ama, tila nag-uusap ang mga ito gamit ang mga mata.
" Kung ganun ay hinog na pala ang unica-hija mo, Pacianno. Pwede ng lahian."
Tila boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko dahil sa tinuran ng Don. Alam ko ang ibig sabihin nito. Napahawak ako sa kamay ni Ina, tumingin ako sa kanya pero isang mababang tingin lamang ang ginawad nito sa akin.
" H-Hindi pa ppo ako handa na mag-asawa Don Pacianno." Hindi mapigilang mautal para lang ipabatid sa kanya ang aking saloobin.
Kinakabahan ako, libo libong bato ang nakadagan sa aking puso. Kung sakali, wala akong kakampi. Kung ang aking ama ay sunod-sunuran kay Pacianno. Ang aking ina naman ay sunod-sunuran sa aking ama.
" Hija, sa ating panahon ngayon ay magandang magkaroon ka ng supling lalo na at bata kapa " ani nito sabay tingin sa Panganay na anak...
" Gusto ko ng magka-apo sa Unico-hijo ko, Hija. At kung papalarin ay gusto kong kayo ang magbibigay niyon saakin, Diba Lucianno?"
Napayuko ako ng maramdaman ko ang init ng pagtitig ng taong nasa aking unahan. Anong gagawin at sasabihin ko? Ayokong magalit ang aking ama. Alam ko kung paano ito magalit, at ng sulyapan ko ito ay kita ko ang galak at pagningning ng mga mata nito, magugustuhan ang paksa ng aming usapan.
" Hindi ko inaasahan na gusto mong ang anak ko ang magdala ng iyong Unang Apo. Isang magandang karangalan iyon sa aming pamilya Pacianno!"
Gustong-gusto kong mag protesta pero parang pinilipit ang dila ko at hindi ito makapag salita.
Gusto kong mag damdam sa aking ama at ina. Ano ba itong gusto nila? Kahit tahimik si Ina ay alam kong ayaw niya dahil pilit ko itong tinitignan.
Pero nakayuko lang ito. Gusto niya bang matulad ako sa kanya? Hindi lingid sa aking kaalaman kung paano ako nabuo at napunta sa mga ito.
Halang ang kaluluwa ng aking ama. Ginahasa niya ang Ina ko dalaga pa lamang ito noon kaya ako ay kanilang nabuo. Wala itong nagawa ng ipakasal sila dahil mayaman ang ang ama, at mahirap lamang ang aking ina noon.
Tila nauulit ang nakaraan ngunit wala itong balak na pigilan iyon? Nangingilid na ang aking luha at anumang oras ay aagos na ang mga ito.
" Kung ganun naman pala ay dapat ng sa akin manatili ang binibini. Ng masimulan na namin ang paggawa ng aming supling. "
Hindi! Hindi ito maaari. tumayo ako. Tumingin ako kay ama. Hindi ako papayag na gawing parausan at anakan ng isang kriminal.
Hindi ko ginusto na mapabilang sa pamilyang kinabibilangan ng hayop na ito. Ni tignan nga ay hindi ko magawa. Iyong sinasabi pa kaya nito.
" Paumanhin ngunit kailangan kong putulin ang anumang usapan sa kadahilanang hindi ako sang ayon dito. Wala pa po akong balak mag-asawa. Sana'y iyong maintindihan. "
Umalis ako doon kahit alam kong magagalit ang aking ama. Ayokong mapunta sa pamilyang iyon, hindi ko alam kung anong naghihintay sakin doon.
Wala pa iyon sa isip ko kaya hindi ako papayag na sirain nila ang p********e ko. Hindi ako papayag na hindi ipaglaban ang sariling hindi nagawa noon ng Ina ko.
"Luzviminda!!!"
Umalingawngaw ang malaking boses na iyon, galit ito, handa akong harapin ang galit nito dahil iyon din ang aking nararamdaman sa panahong ito.
" Anong kahangalan ang iyong ipinakita ha? " Galit na galit ang mukha nito. Hindi na ako nag taka ng isang sampal ang dumapo sa pisngi ko. Alintana ang mga luhang bumuhos dahil sa sakit na

