Jax Ang buong pangalan ko ay Jaxter. Wala akong apelyido dahil lumaki ako na walang mga magulang. Hindi ko na rin sila nakilala dahil lumaki ako sa isang bahay na puro karumihan ang itinuro sa akin. Simula pagkabata ay namulat na ako sa mga bagay na tanging ginagawa lamang ng mga matatanda. Alam ko na mali pero itinuloy ko pa rin dahil alam kung maaaring makitil ang aking buhay kapag hindi ko ito ginawa. Ginusto ko rin ang magkaroon ng tunay na pamilya at idiwang ang aking kaarawan katulad ng ibang bata. Hindi ko rin alam kung kailan ang aking kaarawan dahil hindi naman iyon ipinagkaloob sa akin. Ang akala ko ay buong buhay na akong ganito hanggang sa makilala ko si Jethro Nam at Cherry Borja. Ang mga taong kumupkop sa akin at nagbigay ng tunay na pagmamahal sa isang makasalanang tulad

