“I don’t want to tell you anything further. We’re heading to Manila, so you better prepare yourself for what’s going to happen.” Ellis’s chest tightened. Kahit naman naging okay na ang pakikitungo nila ni Rick sa isa’t isa, hinding-hindi niya pwedeng hilingin dito na huwag ituloy ang plano nito at ng mga kapatid. If her father really made a mistake, then she will allow them to correct him. “Promise me you won’t hurt him physically, Rick. Yun lang ang pwede kong panghawakan sa ngayon. Kung anuman yang sinasabi mong plano ninyo, do it. I may never understand what’s going to happen in the next few weeks or months, pero pipilitin ko pa ring maging okay.” "Ipinapangako kong idadaan namin sa tamang proseso ang magiging paniningil namin sa daddy mo." Nang makalapit ay awtomatikong tumaas ang

