"And Ellis?" Napakislot siya sa pinagtataguan nang marinig ang pangalan. Hindi na niya hinintay si Rick at lumabas na siyang mag-isa para pumunta sa library na parang maling desisyon dahil bigla nalang pumasok doon sina George at sa tingin niya ay ang nagmamay-ari ng bahay na si Xander. "Is she going to go with us?" Tanong ng huli. "I doubt that. Rick still wants to have her captive here." Mula sa pinagtataguan ay sumilip siya. Nakaharap ang lalaking ngayon lang literal na nakita sa tanang buhay. At kung inaakala niyang suplado ang magkakapatid na Legrand ay masasabing ibang klase ito. Ni hindi magkasalubong ang kilay pero natitiyak niyang mangingilag siya kapag nakaharap ito. Dominant features at sobrang lakas ng dating. "Hindi maganda ang pakiramdam ko sa magiging pananatili ni

