Mula sa library ay agad tumuloy si Rin sa isa sa maraming kwarto sa kasalukuyang tinutuluyan. Hindi ginusto na magkaroon ng ganuong engkwentro sa dalagang Alvarez! But she's being impatient. Ngayon lang niya nasubukang humawak ng kaso ng ganito katagal. And it annoys the hell out of her. Inilabas niya ang suot na kwintas at binuksan ang locket. Mula doon ay inilabas ang isang sim card at isinaksak sa itinatagong maliit na cellphone. Pagkatapos ay mayroong kinontak. "Agent Rin131," pakilala niya at naghintay ng tugon. That was her code. Though she prefer to be called by Rin, ang totoo ay hindi yun tunay na pangalan. Ilang sandali lang ay pumailanlang ang boses ng isang babaeng boses. Si Red Queen, ang artificial intelligence na siyang nakakausap nila tungkol sa nahahawakang kaso. "Any

