"You have to do something about Ellis. Hindi ko gustong magkaroon tayo ng problema kay Xander dahil sa pananatili niya rito habang nasa Maynila tayo. I understand him for a reason. Naging malaking tulong sa atin ang lugar na ito kahit noon pa man." "Hindi ko alam kung saan nanggaling ito George." Matabang na sagot ni Rick na nagulat nalang sa biglang pagkompronta ng kapatid. "Wala naman siyang sinasabi sa akin tungkol sa pananatili ni Ellis sa bahay niya." "My point is, paano kapag wala tayo dito at gumawa ng kalokohohan ang batang yun. Alam mo namang matigas ang ulo niya, hindi ba. Baka bigla nalang niyang tawagan ang tatay niya at magpasundo rito. Malalaman nilang lahat ang lugar na ito." "That will never happen." "At paano ka nakakatiyak?" "Napahinuhod ko na siya. Naiintindihan na

