"B-bitiwan mo ako Rick." Mahinang pakiusap niya. Hindi niya gustong mamihasa sa ganuong mga acts nito. Iisipin nalang niyang natatakot siya sa dilim kaya siya naiyak. "Baka iba na naman ang isipin mo." Hindi napigilang bulalas. "Ano ang iisipin ko?" "You hate me right?" Nabigik ang lalamunan. "Kailangan ay yun din ang maramdaman ko sayo." "Yeah, we're supposed to do that. Mas makakatulong sa ating dalawa kung yun ang parehong mararamdaman natin para sa isa't isa. Kaya hindi ko alam kung bakit ginagawa ko ang bagay na ito..." Rick make a deeep sigh. Sandaling inikot ang mata sa paligid. Tuluyan ng lumayo ang loob ng dalawang kapatid kay Ellis dahil sa magaspang na pakikiharap ng dalaga sa mga ito pero sa naging pag-uusap sa barko ay hindi naman kinukundena ang pagsasabing huwag itong

