Pagmulat niya ng mga mata ay nagulat pa siya nang mabungaran ang isang maluwang na kwarto. Malamlam ang ilaw na nagmumula sa lampshade na nagbibigay ng kapanatagan. Ganoon din ang liwanag ng buwan na tumatagos sa bintanang gawa sa salamin. Fully air-conditioned, comfortable bed at higit sa lahat, bilang lumaki sa maalwang buhay ay masasabi niyang hindi basta-basta ang kinaroroonan. Tumayo siya mula sa kama at naglakad palapit sa naiwang bukas na bintana at dumungaw. Hindi matiyak ang oras dahil wala namang naka-display na relo sa dingding. Dahil sa laki ng buwan ng gabing iyon ay nababanaag niya ang walang hanggang kagubatan sa labas. Sa pakiwari ay nasa ikalawang palapag siya ng bahay sa taas ng kinaroroonan. Is she going to be held captive in this place? Pero ang sabi ni Rick ay hindi

