Frederick IV: Jealousy within one self

2412 Words
"Gusto kong ganapin ang aking kaarawan sa mansyon sa Zamboanga." "Zamboanga?" Ulit ni Ellis sa nanlalaking mata. The idea is hilarious knowing how secluded the place is, "Oo sa Zamboanga nga. Gusto kong makita kung ano ang paulit-ulit na binabalikan ng ama mo doon." "You know that place Mommy, maybe he's going there to relax." Pangungumbinsi rito. Kahit na nga ba halos aminin na ng Daddy niya ang posibilidad ng pagkakaroon ng ibang babae ay hindi niya gagatungan ang negatibong emosyon nararamdaman ng ina. Kailangan mayroong isang tao sa pamilya ang magbubugkos sa kanilang apat. At kung pwede niyang isakripisyo ang sarili ay bakit hindi.  She just wanted a full and happy family. Isang bagay na tila napakahirap abutin kahit na nga ba nasa kanya na ang lahat. Sisiguraduhing kapag nagkaroon na siya ng sariling pamilya ay hindi hahayaang magkawatak-watak ang bawat miyembro. "Please Mom, give Dad a rest. He's already getting tired of work. Ang kailangan niya sayo ay suporta bilang asawa niya at hindi kung anupaman."  Sumama ang timpla ng ginang. "Are you insinuating that I'm not being a good wife to him?"  "Hindi yun ang ibig kong sabihin." Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan. Minsan ay mahirap itong kausap No wonder he’s father’s loss of interest when talking to her. Igigiit nito kung ano ang nasa isipan kahit wala yung sense. "I just want you to understand his situation."  Eliza gave her daughter a suspicious look, na parang tinitignan ang nasa looban ng kaharap. Sabihin pa ay ikinabigla ni Ellis ang sumunod na naging litanya nito. "Darating ang araw na maiintindihan mo ang damdamin ko ngayon. Once you falls in love so hard Ellis. Baka mas malala pa ang gawin mo kaysa sa akin." Huminto ito sandali at tumanaw sa malayo. "Sa nakalipas na mga taon ay pinigilan ko ang makaramdam ng ganitong klaseng insecurity sa pamamagitan ng paghahanap ng bagong mapaglilibangan. Pero hindi ko akalaing yun pa ang lalong magpapalayo sa loob sa akin ni Rigo. Your father is just hard to reach now. Pero hinding-hindi ko bibitawan ang pagiging asawa ko sa kanya." Sa pagkakataong iyon ay bumalasik ang anyo ng ginang. "Gawin niya ang gusto niyang gawin, mambabae siya kung gusto niya pero hindi ang palitan ang posisyon ko bilang asawa niya!" Ellis wanted to understand her mother's dilemma. Hindi niya gugustuhing mapunta sa sitwasyon nito pero kaya ba niyang tanggihan ito sa nais?  Nang sabihin nito sa Malibu na gusto nitong magpunta silang mag-anak ng Zamboanga ay nagawan iyun ng paraan. And now she is insisting. Hindi niya alam kung bakit pero titignan niya kung mapapabago ito ng isip. "You wouldn't be able to invite all your friends if we held the celebration there."  "Naroon ang mga kaibigan ng Daddy mo." Humalukipkip ito. "Hindi man literal ng mga kaibigan ay mga kakilala niya sa pulitika at mga kasosyo. Your father has several businesses in that area. Kahit ang mga malalayong kamag-anak ko ay naroon din. Baka nakakalimutan na nilang ako ang asawa ni Rodrigo Alvarez."  Gustong tumaas ng kilay sa huling narinig, mukhang hindi pagmamahal at kalinga ang habol nito sa ama. But this time, she forbid herself from voicing out her own opinion. "We can still celebrate from other place. Ako ang mismong magsasabi kay Dad. It doesn't have to be in Zamboanga." Tinapunan siyang muli ng ina ng naghihinalang tingin. "Is there something wrong with that place? Bakit pakiramdam ko ay hindi mo gustong pumunta doon?" "You are right. Hindi ko gustong pumunta doon, Mom. And I bet kuya Riley too. Sinong gugustuhing manatili sa isang lugar na napakahirap ng signal. That is a boring place!" Sinabayan ng pag-gusot ng mukha ang sinabi.  "Ang lugar na iyon ay naging tahanan mo noong bata ka pa. Huwag kang magpanggap na hindi mo gusto doon dahil madalas kang mag-ayang umuwi doon habang padalaga ka. She crossed her legs and leaned back trying to hide her face. She was reminded of something that made her blush. Kapag ipinagpilitan ang pagtanggi ay lalong maghihinala ang ina. "Okay, we'll do what you want. Pero huwag ninyo akong sisisihin kung hindi ninyo magustuhan ang magiging selebrasyon doon." Umismid ang ginang at itinaas pa lalo ang baba. "Magustuhan ko man o hindi ay problema ko na yun." Kung sino man ang nagturo rito ng ganuong pag-akto ay gusto niyang sitahin. Hindi maganda ang mga natututunan ng ina sa ilang nga amiga nito. Imbes na makatulong sa relasyon mag-asawa ang mga ito ay tila lalong lumalayo ang daddy niya rito. Partly, ay naiintindihan ang biglang pagbabago ng ama sa damdamin nito. Her mother is becoming a robot. A hypocrite one! Pero hinding-hindi niya sasabihin sa harapan nito.  Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay ipinaalam ni Elisa ang pagpapasya sa asawa kinagabihan.  "We will go with you Rigo." Desididong turan. "Hindi mo kailangang magpabalik-balik dito mula doon para kitain kaming mag anak mo." "Anong nakain mo at gusto mong umuwi na Zamboanga?" Naglakad ang Don papunta sa kabilang panig ng executive table at naupo sa swivel chair.  Si Ellis na nakaupo sa sofa ay pinanood ang ina. Her mother is trying to look tough in front of her husband. Isang bagay na hindi niya maintindihan kung bakit nito ginagawa. Ang paa'y nagti-tiptoe, patunay ng pagkatensyon bukod pa sa tinig nitong pumapalya.  "It is my birthplace Rigo. Hindi masamang gustuhin kong pumunta doon. Bakit ba lahat nalang ginagawa ko ay masama sa paningin mo."  "Hindi ko minamasama ang desisyon mo. Nagtataka lang ako kung bakit. Ang pagsunod mo dito sa Pilipinas ay nagbibigay sa akin ng maraming katanungan. Imposibleng nauubusan ka ng pera dahil patuloy na nilalagyan ang savings account mo bukod pa sa walang limit ang card mo."  Gustong umalis ni Ellis. Alam niyang mag-aaway ang magulang at hindi gustong panoorin iyun. Ang magkabilang kamay ng ina ay nakakuyom na.  "When are you going to treat me like a wife!Hindi lang ako tau-tauhan sa bahay mo." Elisa was half-hysterics all of a sudden. Itinaas naman ng Don ang dalawang kamay. "Calm down. Habang tumatanda ka ay lalo kang nagiging nerbyosa. At sa ipinaparatang mo sa akin, gusto kong ibalik sayo ang katanungan. Kailan ka ba naging may-bahay sa akin?"  Ellis mouth fell open. She looked back and forth towards her parents. Masyadong prangka ang ama at ikinabahala ang magiging dating nun sa ina. Nagpatuloy si Rigo. "For the last ten years, pinilit mong baguhin ang pamumuhay mo. You aren't like this when I married you. Sa mga unang taon nating mag-asawa ay ni hindi pumasok sa isipan ko ang pagsisihang pinakasalan kita. Pero anong nangyari sayo? Jealousy medyo you so stiff and cold. Hindi kita kailanman binigyan ng rason para magka-ganyan ka. Ginusto mong maging ganito ang damdamin ko sayo."  Nakaramdam siya ng sobrang tensyon habang pinapanood ang sagutan ng dalawa. Surely, her mother would not want her to hear the conversation. Pero hindi niya kayang umalis. Kailangan niyang mamagitan kung sakaling magkaroon ng malalang pagtatalo ang dalawa. She had never seen her father looking like this before. So serious and sure, ganito ito ilarawan ng ilang mga nakakasama nito sa negosyo. At hindi na dapat tinitignan ng ganun ang asawa. "D-dad?"  Marahas na lumingon si Eliza sa kanya. "Hindi ka mamamagitan sa amin ng ama mo. Bakit hindi ka lumabas ng kwarto at hayaan kaming mag-usap." "Hindi siya aalis Elisa, siya ang unang kausap ko bago ka pumasok dito ng walang paalam." Napilitang tumayo Ellis. "If mom doesn't want me to be here I can go out." Tangkang hahakbang papubta sa pinto ng magpatuloy ang ama.  "Bakit hindi mo gustong mapakinggan ng anak mo kung paano ka sa akin? You are always hysterical in front of me Elisa. Sa maraming pagkakataon ay pinaparamdam mo sa akin kung gaano kalaki ang pagkamuhi mo sa akin. And I learned to ignore it all throughout this years." "Huwag mong ibalik sa akin ang mga paratang Rigo. Ikaw ang nagkulang sa akin bilang asawa mo. Puro ka negosyo at pera. Hindi mo man literal na ipinapakita sa akin ang pambababae mo ay tiyak kong ginagawa mo yun." Bumadha ang pagka-pagal sa mukha ng Don. "And here you are again with your rants. Nakita mo ba akong nagdala ng babae sa kung saan man kahit minsan?"  "Hindi ko kailangan makita! Babae ako at malakas ang pakiramdam l." Mahigpit na nilamukos ni Eliza ang tapat ng puso at naging melodramatic. "You are not treating me right Rigo. Kahit si Riley ay ganoon din. Anak mo rin siya tulad ni Ellis pero bakit hindi niya maramdaman iyun." Ellis became more worried and it was so obvious on her facial expression. Nakita sa sulok ng mata ang pagtingin ng ama sa gawi niya bago ibinalik sa asawa.  "Kung ang pagpunta sa Zamboanga ang gusto mo ay gawin mo. Hindi ko inaasahan ipapakita mo ang ganitong tantrums sa harap ng anak mo. Hindi magandang ehemplo ang ganyan Eliza. Your daughter has to be strong. Siya ang magpapatuloy ng mga pinaghihirapan ko sa hinaharap." Namumula na ang ginang sa sobrang galit pero wala itong magawa. Ellis wanted to burst in tears because she can literally feel her mother's pain. Anak siya nito, ang babaeng nagluwal sa kanya. She must have been tough to hear before, pero habang tumatanda ka talaga ay bigla nalang nagbabago ang lahat. She realized that she wanted her mother by her side. Ganun naman dapat talaga yun hindi ba dahil iba ang gabay ng isang ina. "Ayusin mo ang sarili mo at huwag mo ng uulitin ito. Especially when Ellis is in front of you." Rigo warned his wife. "D-Dad?" Hindi maalis ang pagkakakunot ng noo niya. "At lalong nadagdagan ang pag-aalala nang tignan siya ng masama ng ina. No, tutol ng kalooban. Masasayang ang ginagawa niyan paglalapit sa sarili rito kung sakali. "Don't be hard on her Daddy-" "Hindi mo kailangang ipag-alala ang pag-akto ng mommy mo. She will fix herself, and so with ber treatment towards you. Kapag hindi niya ginawa ay aalisin ko ang lahat ng pribilehiyong tinatamasa niya."  Nanlaki ang mata niya at napasinghap naman ng Mommy niya.  "You can't do that Rigo!"  "Kaya kong gawin at gagawin ko kung maaari. Ang dami mong inirereklamo pero ni hindi mo magawang gawin ang responsibilidad mo bilang ina kay Ellis." Her chest tighten as she looks at her parents. God knows she doesn't want them to fight. Lalo na kung isa sa maraming dahilan ng pag-aaway ng mga ito ay dahil sa kanya. "I-I'm fine, daddy." "No, you are not. Nakikita ko ang effort mo sa paglapit mo sa Mommy mo pero hindi niya magawang ibalik yun. Why, because of my attention towards you? Hindi ko maintindihan kung bakit pati yun ay ikina-iinggit niya." "It's not about that-" "She deserves to be treated like one," Eliza exclaimed furiously. "She is your only weakness right, Rigo? Kapag nawala kami ni Riley sa buhay mo ngayon ay ni hindi mo yun iindahin. Unlike your precious daughter!" Nilingon siya nito. At hindi niya gusto iyun. She even lower her head. Baka kasi matanim sa isip ang pagkamuhing iyun ng ina sa kanya. Hindi niya akalaing kayang itrato ng isang ina ang anak ng ganuon kahit wala naman siyang ginagawang masama.  "Huwag mong ubusin ang pasensya ko Eliza-" "D-Dad, s-stop, please. Y-You are hurting Mom. And because of that y-you are hurting me too." Natigilan si Rigo. Pinakatitigan ang anak na may butil ng luha sa sulok ng mga mata. Isang buntong-hininga ang pinakawalan nito. "Lumabas kana Elisa. Kung ang pagpunta ng Zamboanga ang gusto mong gawin ay ibibigay ko sayo." Ang ginang ay labis na ikinamangha ang ganoon pag-akto ng asawa.  Dahil sa nasaksihang pagtatalo ng magulang ay napilitan si Ellis na sumunod na lang sa kahilangan ng ina na pumuntang Zamboanga sa kabila ng kabang nararamdaman. She will see Frederick Legrand again after three years.  You are no longer affected. Ano ngayon kung ni-reject ka niya dati. It's been three years since that happened. Hindi mo kailangang mailang sa kanya. Mas maganda at mas confident kana sa Ellis na nakilala niya noon.  On the way to their mansion located in the secluded area of Zamboanga, Ellis heart was hyperventilating! Hindi mapakali kahit na anong sabihin sa sarili.  "Ano ang sasabihin ng mga kaibigan mo sa pagpunta mo rito?"  Matabang na nilinga ang katabing si Riley. Ang magulang nila ay sakay ng sasakyang nasa unahan. Napapagitnaan sila ng isa pang sasakyan sa likuran na puno ng bodyguards. Kasama sa sasakyan ang personal bodyguard na si Rin na nakaupo passenger seat. "We won't be staying here for long. Bukod pa sa ilan sa kanila ay babalik na sa New York soon. Ikaw ang gusto kong tanungin, what made you come with us?" "Hiniling ni Mommy na pumarito ako. I will never say no to her. Kaming dalawa nalang ang magkakampi kaya gusto ko siyang paluguran." Isang buntong-hininga ang pinakawalan. "Hindi ko alam na may kampihan pala na nagaganap. You guys are the one making the distance from us. Imbes na tumaas ang ihi ninyo ay bakit hindi ninyo palugaran si Daddy." "As if he will change his mind towards us. Ikaw lang ang importante sa kanya. I bet mababaliw siya kapag may nangyaring masama sayo." Sinabayan nito ng tawa ang sinabi.  Tinapunan niya ito ng masakit na tingin.  Pero hindi doon natatapos ang pag-iinis ni Riley. "Hindi mangyayari ang kinatatakutan mo. Sa dami ba naman ng bantay na kinuha para sayo." Hindi nakalampas sa tenga ang slight sarcasm sa tono ng boses nito. "Tayong lahat bilang mag-anak ang binabantayan nila kaya tigilan mo ang pagsi-self pity mo. Hindi nakakatulong ang pag-asta mo sa kagustuhan kong magkasundo tayong pamilya." "Hanggat nag-i-exist ka ay hindi magbabago ang pakikitungo ng matandang yun sa amin ni Mommy." "Ano ang ibig mong sabihin?" Hindi niya nagustuhan ang binitawan nitong salita.  "Never mind." Umayos ito ng upo at pumikit. "Ayokong aksayahin ang oras ko sa pakikipag-usap sayo."  She pressed her lips into thin line. Halos umusok ang ilong sa galit dahil sa nakukuhang pagtrato hindi lang mula rito kundi maging sa ina rin. Hindi mapaniwalaang may ganuong klase ng mga taong kayang itrato ng pangit ang isang myembro ng pamilya dahil lang sa atensyon. Pabagsak na sumandal at tumanaw sa matataas na punong nadadaanan. Hihintayin niya ang araw na siya mismo ang kusang mag-give up sa mga ito.  Habang tumatagal ay paliblib ng paliblib ang dinadaanan at lalong nagiging malalago ang puno at mga halaman. After an hour passed fifteen, they finally reached their destination.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD