Manila, Philippines.
Tinitigan ni Ellis ang ibinigay na bodyguard sa kanya ng ama. Isang matangkad na babaeng naka-suot ng tight-fitting jeans at polo with a matching black sneakers. Her name is Rin, ang babaeng hindi man lang kumurap ng titigan niya. Ayun sa ama ay proteksyon iyun dahil sa mga nangyayaring kidnap for ransom sa mga anak ng mga mayayamang businessman recently sa Pilipinas. At hindi niya kayang tanggihan ito.
"That's why I'm very pleased with you, hija. You never say no to me kahit nasa mukha mo ang disgusto."
Naglakad siya likod ng sofa at yumakap sa leeg nito. Gusto niyang maglambing dito. "I want to ask a favor from you dad."
Humarap si Rodrigo sa unica hija. "What is it dear?"
"Please be nice to Kuya Riley."
"Mabait ako sa kuya mo. Kung sana'y nakuha man lang niya kahit kalahati ng pagiging matalino mo ay hindi ko kailangan mag-alala."
Nilangkapan pa lalo ng lambing ang tinig. "He is smart. Napi-pressure lang siya dahil sa mataas na expectations ninyo. And I don't say it in a bad way. You are the person I am looking up to, the figure of a perfect man. If it weren't for you, I would not even believe in that word."
Napangiti si Don Rodrigo Alvarez. "Alam na alam mo talaga kung paano ang maglambing. Isa pa yan sa pagkakaiba ninyo ng kuya mo. Ni minsan ay hindi niya gustong lunukin ang pride niya."
"And I am the same as him, father. You are a proud man, at may karapatan ka. Dapat lang ay ganun din kami ni Kuya Riley bilang mga anak ninyo."
"Pero hindi mo ako kailanman binigyan ng sakit ng ulo at inaasahan ko yun sa kanya." Inabot ni Rodrigo ang anak at hinila palapit sa tabi. "You've lost weight."
She smiles. "I'm on a strict diet. I am turning twenty soon at ayokong masira ang figure ko."
"Do whatever you want Ellis. Walang lalaking hindi ka gugustuhin. You are smart and a gorgeous lady, idagdag pang anak kita."
Natigilan siya ng may biglang pumasok sa isip. You're wrong daddy. Mayroong lalaking hindi ako gusto and that's because I am your daughter. Yumakap siya rito upang itago ang mukha.
Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin siya sa magiging pagkikita nila ng lalaking nasa isip. Not because she's still affected on what happened three years ago. Pero kinakabahan siya at the same time excited kung ano na ang itsura ni Frederick Legrand. "I missed you Dad. You are working so much. Bigyan mo ng time si mommy para hindi siya laging wala sa mood."
"Pinasama na naman ba niya ang loob mo?"
Agad siyang umiling. Kahit gawin yun ng ina ay hinding-hindi ito ipagkakanulo. Kahit anong mangyari ay gugustuhin makuha ang simpatya nito. "I just want to see you guys getting along together tulad ng isang normal na mag-asawa. She's jealous of your business and I can't blame her. Hayaan mo siyang manatili sa tabi mo."
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng don. "I'm sure nagsabi na naman ng hinaing niya sayo si Eliza."
"Please don't be mad at her. Maybe she just missed you. And that's what I want you to do too. She will be celebrating her birthday soon. We can surprise her." It was out of a blue idea she hopes he’ll agree.
"Alam mong wala akong time-"
"I'll take care of everything." Pagbo-boluntaryo at excited na tumayo. "I'll tell mom that she can have the celebration she wants. And that you want the four of us together." Nang makita ang pagtutol sa mukha ng ama ay niyuko ito at humalik sa pisngi. "I love you a lot Daddy!" Dali-daling lumabas ng pinto upang hindi na makatutol ang ama na agad sinundan ng bodyguard.
Excited na pinuntahan si Eliza na kasalukuyang kasama ni Riley sa entertainment room. Lalong sumimangot ang nakatatandang kapatid nang makita siya. "You don't have to give me that look Riley. At least ako ay may ginagawa para bumalik sa dati ang relasyon nila Mommy at Daddy."
Dumilim ang anyo ng sinabihan.
"Stop being sarcastic towards your brother, Ellis." Suway naman ni Eliza.
Humalukipkip siya. "I am not. Hindi ko intensyon pasamain ang loob niya pero iyun naman talaga ang totoo." Tangkang sasagot si Riley pero itinaas niya ang isang kamay. "I am not fighting with you. Bakit ba lagi na lang masama ang timplada mo sa akin."
Sarkastikong ngiti ang sumilay sa labi ng nakatatandang kapatid bilang tugon. "Alam mo ang dahilan. Huwag kang magpanggap na hindi mo alam." Saka biglang tumalim ang mata nito.
Ellis raised both of her hands and look at her mother. Hindi gagatungan ang pagiging bad moon ng kapatid. She came to tell her mother about the good news. "I spoke to Dad about your upcoming birthday. He said you can have the celebration you want." Nasilip ang galak sa mga mata ng ginang, and she is very much pleased.
"Tatawagan ko ang mga amiga ko kung ganun." Tinungo ni Eliza ang pinto at binuksan. Nagulat nang mabungaran ang estranghero sa paningin. "Who is this woman?" Sabay pasada sa kabuuan ng babaeng ni hindi kumurap.
"She's Rin, mother. Kinuha siyang bodyguard ko."
"Rin? Bodyguard?" Nilingon ang anak na ngayon ay nakaupo na sa mamahaling sofa. "Bakit ka may bodyguard?"
"You guys have too. Nagkataon lang na nauna akong bigyan ni Daddy dahil may mga lakad ako sa mga susunod na araw."
Ipinagkibit-balikat ni Eliza ang sinabi ng anak na babae at nilampasan ang bodyguard bago magtuloy sa sarili nitong kwarto.
"Mukhang pumapel kana naman kay Daddy." Si Riley ng maiwan ang dalawa. Naupo sa katapat na upuan at iniyos ang laman ng isang bag.
Nasilip ni Ellis ang laman at nakita ang mga lenses ng mga camera. Naalala niyang mahilig talagang manguha ng mga larawan ang kapatid na mahigpit na tinutulan ng ama. "At least I'm doing something. I'm tired of you throwing hatred towards me when I'm not doing anything. Bakit hindi mo nalang kasi paluguran si Daddy para naman gumanda-ganda ang tingin niya sayo."
"You know that will never happen." Mula sa pagkakayuko sa bag ay nag-angat ng mukha. "At least I have our mother's sympathy. Ang isang bagay na habang-buhay mong aasamin." Tumayo ito.
Sumunod siya. "Hindi mo ako dapat tinatrato ng ganito!"
"Bakit? Naiinis ka? You are my younger sister. Ang totoo niyan ay mahalaga ka sa akin. Pero hindi ko magawang kalimutan ang mga ginagawang pagkukumpara ng matandang yun sa ating dalawa."
"Ang matandang sinasabi mo ay ama nating dalawa. Watch your language Riley!" Halos umusok ang ilong dahil sa galit. Wala na silang pag-uusap na hindi nauwi sa pag-aaway kahit panay ang paalala sa sarili na huwag itong patulan. Sometimes, she felt like he's provoking her. "Minsan ay naiintindihan ko siya kung bakit ka niya tinitikis. You are so egoistical! Madalas ay wala sa rason ang mga galit mo."
"Sabihin mo ang gusto mong sabihin pero hindi ako magiging sunod-sunuran sa kanya. I care about our father but I care more about you. Huwag kang magbulag-bulagan sa kanya para sa bandang huli ay hindi ka masaktan." Isinabit sa likod ang bag at nagtungo sa pinto.
"Where are you going?"
"Come on, alam mo kung saan ako papunta."
Pupunta ito sa isang local studio. May balak na naman itong maging proyekto ayon sa narinig niyang usapan nila ng ina. "We will have dinner tonight. Umuwi ka pra kumpleto tayong apat." Nilangkapan ng pakiusap ang tinig.
Matabang itong ngumiti. "Mahalaga ba ang presensya ko doon? Kung ikaw pa siguro ang wala ay baka ipahanap ka sa sandaang tao. Pero ako? I doubt it." Tuluyan itong lumabas ng kwarto at naiwan si Ellis na nanggigigil sa galit.
What's wrong with both of them? Bakit ba kahit anong gawin niya ay hindi makuha ang simpatya ng dalawang taong mahalaga sa kanya. Gusto lang namang maging maayos sila. They are family after all.
Samantala si Don Rodrigo Alvarez naman ay kagyat na tumayo mula sa kinauupuan at nagtungo sa executive table upang tanggapin ang ongoing call. Tinitigan ang naka-rehistro na numero ng international call mula sa France.
"Bonjour, France International Bank..." pinakinggang mabuti ang sasabihin ng babaeng nasa kabilang linya. Tumaas ang excitement nang matapos ito.
Pagkatapos ay tinawagan ang isang mahalagang tauhan sa naturang bansa. "Salut monsieur..." magiliw na bati ng babae sa kabilang linya.
"I will send them off to settle everything soon. Can you hold everything for a while?"
"Their presence had been needed for years, Monsieur. You know how the bank works. They needed the three of them as soon as possible. My apologies that they managed to reach you."
"I' m heading to Zamboanga one of these days, I'll schedule the arrival of the siblings in France as soon as I can..." nahinto sa iba pang sasabihin ang Don nang sumilip si Ellis.
"Busy?"
Sumenyas ang matanda pero tuluyang pumasok ang anak na dumiretso sa sofa. Dali-daling tinapos ang tawag at nilapitan si Ellis. "Wala kang lakad ngayon?"
"Do you want me to head out?"
"Kung kailan kita kinuha ng bodyguard ay saka ka naman hindi lumalabas."
Isang matamis na ngiti ang ibinigay rito. "Kuya Riley is heading out. Why don't you give him the chance to do whatever he wants. Magsasawa rin siya at darating ang araw na paluluguran kayo." Walang pasakalyeng pag-uumpisa ng naturang topic.
"Sinabihan kaba niyang kausapin ako?"
Alam ni Ellis na magagalit na naman ang ama kapag nalaman nitong umalis ng walang paalam ang nakakatandang kapatid. At gusto niyang pagtakpan si Riley sa kabila ng malamig na pakikitungo nito sa kanya. Yes, gusto pa rin niyang kunin ang simpatya nito. Bilang magkapatid ay dapat ganun silang dalawa. Hindi niya kakayaning hawakan ang lahat ng negosyong maiiwan ng ama kung sakali. Bukod pa sa ito dapat ang magdadala ng apelyido ng ama. Their father's legacy. "I'm doing this because I want to. Give him the chance to do what he wants. Kaya siya nagmamatigas dahil masyado kayong malamig sa kanya."
"Hindi ako ang unang yuyuko sa kapatid mo. Kapag binawi ko ang lahat ng pribilehiyo na tinatamasa niya ngayon ay titigil din siya sa ginagawa niya."
"But you can't do that!" Tutol niya. Lalong magagalit si Riley kapag ginawa iyun ng ama. "Do you know the story of the prodigal son, Dad?"
"What about it?"
I-kwenento ang tungkol sa isang Bible parables. Kung paanong tinanggap ng ama ang alibughang anak pagkatapos waldasin ang dapat na mamanahin nito at maglayas.
"Hindi mo pwedeng ikumpara ang bagay na iyun sa nangyayari sa kuya mo." Puno ng pagka-disgusto ang mukha ng Don.
"I know you Dad, you are one of the few people that I ever adore. Maayos na pag-uusap lang ang kulang sa inyo. Nagtitikisan lang kayo ni Kuya Riley."
"And here you are again talking about this topic. Kanina ay ang tungkol sa Mommy mo at ngayon naman ay ang sa kapatid mo. Tell me, are they bugging you?"
"No!" Agad niyang tanggi.
"Then what's with this conversation? Hindi kita kailanman kinaringgan ng ganito noon."
"I just want to us to have a good relationship with each other. It's just the four of us. At hindi ako titigil hanggat hindi tayo nagiging maayos na pamilya. It's not all about money. I do appreciate how hardworking you are. Ibinibigay ninyo sa amin ang lahat ng karangyaan at luho sa mundo. Pero hindi ang oras ninyo, especially for Mom."
Nilapitan ni Rodrigo ang anak at tinunghayan ang magandang mukha. "I'm doing my best to keep this family as intact as it is. Pero may mga bagay na nagbabago sa paglipas ng mga panahon. Lalo na sa pagitan namin ng Mommy mo."
"What do you mean?" Naguguluhan niyang tanong at nagsalubong ang kilay. Biglang kinabahan sa ibig ipakahulugan ng ama. Hindi siya makakapayag na may ibang babaeng pumagitan dito at sa ina. "Please deny whatever is going on in my mind. You can't have another woman!"
Rodrigo raised one of his eyebrow. "Kapag narating mo ang ganitong edad ay maiintindihan mo ako-"
"No!" Marahas niyang tanggi. "Please don't say that! D-Did you find someone new?" Halos hindi lumabas ang tinig sa lalamunan Hindi naman siya inosente para hindi isiping posible iyun dahil sa sinabi ng ama. "You have to promise me. Hinding-hindi mo pwedeng hiwalayan si Mommy!" Pinatigas ang reaksyon ng mukha. "You can have hundreds of woman, but we will remain as family."
Nagulat si Rodrigo sa biglaang outburst ng anak. "You are so straight-forward. At some point ay naiintindihan ko ang ugali mong yan. You actually got it from me."
There was a slight proudness in her father's tone. Hindi pinansin ang sinabi at pinakatitigan ito. "You will never do whatever is running into my mind. We will be a family! And my mother will remain your wife until the day you both die."
"Ellis-"
Hindi pinansin ang pagtawag ng ama at tinalikuran ito. Hindi man literal na umamin ay parang may ibig sabihin ang mga salita nito kanina. So, may basis ang assumptions ng ina. Kuyom ng mahigpit ang kamao ay dumiretso siya sa kwarto at doon nagmukmok. She has to do something. She wanted to keep her family intact kahit na nga ba impossible na ang gustong mangyari. But first, she has to find out kung sino ang babae sa buhay ng ama na gusto nitong ipalit sa pwesto sa babaeng nagsilang sa kanya. Her mother will forever the queen of their house. At hindi siya makakapayag na may pumalit sa pwesto nito.