HINDI ako nakatulog buong magdamag dahil sa kakaisip kung ano ang nangyayari sa akin. Kaya naman nang sumapit na ang umaga ay bumangon na ako. Nagluto na ako ng almusal naman at saka na ako naligo. Ayoko munang problemahin kung ano itong nangyayari at nararamdaman ko at saka ko na lang ito iisipin. Nang matapos na akong makapag almusal at maligo ay nagbihis na ako para makapasok na sa trabaho. Sa tuwing maaga ako umaalis ng bahay, ay nag-iiwan na lang ako ng notes sa lamesa para pag nagising sila Manang ay alam nila na nakaalis na ako. Ganon na lagi ang naging routine ko sa loob ng dalawang buwan na pananatili ko rito sa Cebu. Nasasanay na rin ako sa buhay ko ngayon rito. Sumakay na ako ng tricycle patungo sa shop, malayo-layo rin kasi iyon kaya naman kailangan pang sumakay. Ilang min

