SA ilang araw na pagiimbestiga ko kay Kim ay unti-unti na akong naniniwala na maaaring si Kim at Sharlotte ay iisa. Sa tuwing pinagmamasdan ko ito ay sumasagi sa akin ang larawan ni Sharlotte. At noong isang araw na natutulog ito ay talagang hawig niya ito. Kahit magkaiba ang ayos ng buhok nila at may nunal si Kim. Nalilito na ako kaya naman sa tuwing naiisip ko iyon hindi ko mapigilan ang sarili ko napagdudahan siya. Sa tuwing tinititigan koi to kapag natutulog nai-imagine ko ang mukha ni Sharlotte. Kay naman naghanap pa ako ng ibang ibedensya na magpapatunay na si kIm at Sharlotte ay iisa lang. Hindi alam ni Kim ang lahat ng balak ko na iyon kaya naman maingat kong tinignan ang mga dala niyang gamit at kumuha ng ilang sample na pwede kong magamit. Hindi ko alam ang gagawin ko sa oras

