Chapter 30

2019 Words

SOBRA ang kabang nararamdaman ko habang palapit ng palapit ang oras. Buti na lang ay wala nang masyadong customer. Hindi ako mapakli, pabalik balik lang ako habang nakatingin sa wrist watch ko. Nagulat ako ng biglang may humawak sa may balikat ko. “Relax ka lang magiging ayos lang ang lahat,” pagpapalakas ng loob ko nito. “Kinakabahan talaga ako Mae lalo na’t malapit na ang oras,” kinakabahan na sabi ko sa kaniya. Ano mang oras ay darating na si Drake upang sunduin ako. Kaya naman hindi ko mapigilan ang hindi kabahan lalo na hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya ang lahat. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya hindi ko naman ito pwedeng biglain. Tiyak na magagalit sa akin ito. Habang nag-aantay ako kay Drake sa labas ng shop panay ang usal ko ng dasal n asana ay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD