IYAK lang ako ng iyak sa kwarto ko napakahirap para sa akin. Pero kasalanan ko rin naman kasi dahil itinago ko sa kaniya ang katotohanan na dapat niyang malaman una pa lang. Napakasakit sa dibdib para pinipiga ang aking puso. Wala akong tigil sa kakaiyak hanggang sa makatulugan ko na lang ito. Kinabukasan ay nagising ako mugto ang aking mga mata. Paglabas ko ng kwarto ay nakasalubong ko si Manang kaya naman agad akong yumuko para itago ang mata ko nanamamaga dahil sa kakaiyak ko kagabi. Ngunit huli na dahil nakita niya na ang mga ito. "Anong nangyari sa mata mo hija? May problema ba?" tanong nito sa akin at saka inangat ang mukha ko kaya naman wala na akong nagawa. Kitang-kita niya na ang nagmumugtong kong mga mata. "Ba't mugto ang mga mata mo?" Ulit na tanong nito sa akin. Muli

