KINABUKASAN ay nagising ako na medyo ayos na ang pakiramdam ko. Hindi kagaya kahapon na suka ako ng suka ng hindi ko malaman. Wala naman akong nakain na iba, kaya ngayon heto ako nagbibihis na dahil ngayon ang balik namin sa hospital para sa resulta ng test na ginawa sa akin ng Dr. Salas kahapon. Hindi ako pumasok sa opisina ngayon dahil ayaw pa akong papagtrabahuhin ni Drake. Dahil nga sa kalagayan ko hindi pa namin nasasabi kila mommy, ayaw kong mag-alala ang mga ito, at saka isa hindi rin namin alam kong bakit ako nagkakaganito. Kaya ngayong araw namin malalaman kung ano talaga ang problema dahil lagi na lang akong nahihilo. At saka katulad kahapon bigla na lang ako naduduwal sa tuwing nakakaamoy ako ng hindi ko gusto. Dati ay gustong-gusto ko ang mga amoy na tulad ng ginisang bawang

