MABILIS lumipas ang mga araw, at buwan. Simula nang maging official ang relasyon namin ni Drake ilang linggo lang ay naisipan ko na tumira sa condo niya. Pinayagan naman ako nila daddy dahil matanda naman n kami ni Drake, at alam na naman ang mga bagay-bagay. Iyon rin kasi ang gusto ng magulang niya. Lalo na tinutulungan rin ako ni Drake sa kompanya namin kaya mas okay na magkasama kami. Siya rin kasi ang sumusundo sa akin sa tuwing papasok ako ng kompanya. Kaysa pagod siya tumira na lang kami sa condo niya. Kaya naman ngayon obligado ako sa mga trabahong bahay. Gusto ni Drake na kumuha kami ng katulong ngunit pinigilan ko ito. Kaya ko naman kasing gawin ang mga ito ngunit nag-aalala siya dahil baka mapagod daw ako lalo na’t pumapasok pa ako sa opisina. Gusto ko ngayon pa lang ay matuto

