NAGISING ako na parang binibiyak ang ulo ko dahil sa dami ng nainom ka gabi. Hindi ko na rin alam kung paano ako nakauwi dito sa condo ko. Kaya naman kahit masakit ang ulo ko pinilit ko pa rin na tumayo, dahil kailangan ko pang puntahan ang bago kong kliyente.
Nagtungo na ako sa banyo upang maligo. Kailangan ko rin kasing makarating agad doon, dahil ayaw kong pinaghihintay ang mga kliyente ko. Ilang minuto lang ang lumipas nang matapos akong maligo, dali-dali akong lumabas ng banyo at nagtungo sa may closet ko para kumuha ng damit na maisusuot.
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng condo ko at tinungo ang sasakyan ko. Sumakay na ako roon at pinaandar na ito patungo sa opisina ko. Hindi naman ganoon kalayo ang opisina ko kaya ilang minuto lang ang naging biyahe ko nang makarating ako roon.
Pagbaba ko ng kotse ay naglakad na ako papasok ng buiding. Halos lahat ng tao roon ay napapatingin sa akin. Hindi ko na lang pinansin ang mga ito dahil lagi naman ganoon ang nangyayari sa tuwing papasok ako rito, hindi na bago sa akin iyon.
Hindi naman sa pagyayabang pero may taglay kasi akong kagwapuhan na nakakabighani agad ng maraming babae kaya naman sa aming tatlong magkakaibigan ako ang binansagang f**k boy.
Hindi ko naman iyon itatanggi dahil totoo lahat ng sinasabi nila. Hindi niyo rin naman kasi ako masisi dahil sila ang naging dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon.
Alam ko na hindi maganda ang manakit ng babae pero hindi ko ito maiwasan dahil sa taong nagparamdam sa akin ng matinding sakit at nagwasak sa puso ko noon. Kaya naman siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito at wala ng tiwala sa ibang babae.
Isa lang naman ang alam nilang gawin e… ito ay ang paasahin kaming mga lalaki at paghulog na hulog na kami sa kanila at saka nila kami iiwan na lang basta-basta at ipagpapalit sa iba.
Wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang mahalin siya simula noon ay siya lang ang minahal ko at pinag-alayan ko ng buhay ko pero hindi pa rin pala ako sapat para sa kaniya at pinagpalit niya pa ako sa iba.
Nang makarating na ako sa pinaka-opisina ko ay naupo muna ako sa swivel chair at habang hinihintay ang pagdating nila Mr at Mrs Kim. Kilalang tao ang mga ito dahil sa angkin nilang galing sa larangan ng business at sobrang yaman ng mga ito. Kaya naman laking tuwa ko ng tumawag sa akin si Mr Kim upang hingin ang aking tulong.
Dahil sa dami ng agency na katulad ng sa akin ako ang napii nito kaya naman hindi ko hahayaan na masira ang opportunity na ito para sa ain at makakabuti rin sa akin kompanya.
Napatingin ako sa may pintuan ng bumukas ito at pumasok ang secretary ko. “Sir, papunta na ho raw si Mr. Kim,” saad nito tinanguan ko lang ito at saka na ito lumabas ng opisina ko.
Hindi naman nagtagal ay muling bumukas ang pinto ng opisina ko at niluwal doon si Mr. Kim kaya naman tumayo ako sa apagkakaupo.
“Good Morning Mr. Kim,” bati ko rito at nilahad ko ang aking kamay sa kaniya, agad naman niya itong tinagggap. Nakakatuwa lang, dahil ito pa talaga ang nagtungo rito sa aking opisina upang makausap ako.
“Magandang araw rin, Mr. Reed,” sambit niya, habang nakatayo sa aking harapan. Mukhang nasa mid 50’s na siya dahil may mga puting buhok na rin ito, at kita sa kaniyang mukha ang pagiging Koreano.
“Have a seat,” alok ko at iwinestro ang upuan na nasa harap ng aking lamesa. Naupo naman ito sa baganteng upuan na para sa aking mga kliyente.
“Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo Mr. Kim?” tanong ko sa kaniya hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa dahil ayaw kong tumatagal ang aking trabaho. Hangga’t maaga gusto kong nareresolba ko ito kaagad.
Bali-balita kasi na tumakas ang nag-iisa nilang anak na babae, pero hindi ko alam kung ano ang dahilan nito sa pagtakas niya sa sarili niyang pamilya. Kaya iyon ang kailangan kong malaman bago ako umaksiyon.
“Kailangan ko ang tulong mo at ikaw ang taong napili ko para gumawa nito. Sayo ko ipagkakatiwala ang paghahanap sa nag-iisa kong anak. Naglayas ito dahil nalaman niya na ikakasal siya sa taga pagmana ng mga Chua. Matutulungan mob a ako?” tanong nito sa akin na ikinagulat ko.
Kaya naman ngayon alam ko na kung ano ang dahilan ng paglayas ng anak niya. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at agad na sumagot sa tanong niya.
“You have my words and my service. Rest assured that I will find your daughter, safe and sound,” wika ko sa kaniya. Kapag nakuha ko ang tiwala ni Mr. Kim, ay maari kong mapalawig ang iba ko pang impluwensya sa business na ito.
“Well said, alam ko na hindi mo ako bibiguin. Kunin mo ang envelop na ito,” wika ni Mr. Kim habang inaabot sa akin ang envelop. “Narito lahat ng kailangan mo pati na rin ang larawan ng aking anak, upang madali mo itong makilala ingatan mo iyan, dahil iyan na lang ang natitirang hard copy ng larawan ng anak ko,” saad nito. At saka na ito nagpaalam sa akin at lumabass ng aking opisina.
Habang nakaupo ako sa aking swivel chair ay naisipan kong buksan ang envelop na binigay ni Mr. Kim. Bubuksan ko na sana ito ng biglang tumunog ang aking phone.
Noong makita kong isa sa mga makukulit na naka-one night stand ko ang tumatawag ay mabilis kong pinatay ang aking cellphone.
Napahilot ako sa aking sentido at naisip na wag na munang buksan ang envelop. Lalo lang sumasakit ang aking ulo sa kakaisip. Kaya naman hindi ko na muna ito poproblemahin, at tumayo na sa aking kinauupuan at lumabas ng aking opisina.
Paglabas ko ng opisina ay binilinan ko ang aking secretary na wag munang tatanggap ng ibang kliyente. At naglakad na patungo sa kotse ko, upang maghanap ng restaurant na pwedeng kong pagkainan dahil hindi pa ako kumakain.